TOP 9 HALAMANG MAY LASON NA MAAARING MAKAPATAY NG TAO #halamangnakakalason #poisonousplants



TOP 9 HALAMANG MAY LASON NA MAAARING MAKAPATAY #halamangnakakalason #poisonousplants

Ang pagkakaroon ng halaman sa bahay ay maganda at nakakatulong pa ito sa ating kalikasan. Subalit mas mainam na may alam tayo sa mga ito sapagkat may ilan sa mga halamang nasa bahay lang natin ay may posibilidad na nagtataglay ng lason.

Narito ang Top 9 Na mga halamang may Taglay na Lason.

Una. Dumb Cane.

Karaniwang itong makikita sa mga bahay natin sa Pilipinas. Pero marami ang hindi nakaalam na isa pala itong nakakalason na halaman. Isa sa mga tawag sa halaman na ito ay dumb cane, spotted dumbcane, mother-in law’s tongue. Karaniwan ito sa mga tropikal na bansa katulad ng sa atin.

Nagtatagalay ito ng calcium oxalte crystals. Kapag nakain ito o nanguya, ang mga crystals na tinataglay nito ay magdudulot ng matinding pananakit at pamamaga ng bibig. Ang pinaka maging epekto nito ay sa iyong kidney, tiyan at maaaring magkaroon ng diarrhea.

Kadalasan ang dagta nito’y ginagamit ng mga Amazonian na lason na inilalagay sa dulo ng kanilang pana. Ginagamit nila ito sa pangangaso o panghuhuli ng iba’t ibang hayop.

Angel Trumpet o Trompeta.

Isa pa sa mga halaman na nakakalason ay ang Angel Trumpet o Trompeta. Kadalasan itong makikita sa Tagalog region at Visayan region sa Pilipinas. Hindi talaga ito orihinal na makikita sa Pilipinas subalit marami ang nagpaparami nito sa bansa.

Nagtataglay ito ng alkaloids isang toxin na kapag ikaw ang na-overdose, sa pamamagitan ng pagsubo o pagkain nito maaaring bumilis ang tibok ng iyong puso at atakihin ka sa puso. Ang 4 na gramo ng trompeta ay nakakamatay rin sa bata.

English Yew.

Isa ito sa pinakadelikadong halaman ssa buong mundo. Totoong nakakaganda ito sa iyong hardin subalit napakadelikado nito.

Marami sa mga hardin sa Pilipinas ang may tanim nito. Karaniwan itong sa Europe, Northen Africa, South West Asia. Ang puno nito ay may taglay na mapupulang berries na kinakain ng mga ibon, ang prutas lamang nito ang hindi nakakalason.
Ang 50 gramo nito ang maaaring pumatay sa isang tao. Maaaring makaranas ng hirap sa paghinga, kumbulsyon, at pag-collapse o pinakamalala ay ang pagkamatay kung hindi agad naagapan.

Pong-pong.

Ang halamang ito ay tinaguriang “Suicide Tree” isa ito sa mga halaman na nakakalason. Karaniwan itong matatagpuan sa mga bansa sa ASEAN. Matindi ang taglay nitong lason at ginagamit ito kadalasan ng mga taong gusting magpakamatay. Maaari mong ikamatay agad ang pagkain nito.

Belladona o Lubi-lubi.

Kung tutuusin marami rin ang natutulong ng halamang ito. Ginagamit ito sa antipyretic, antispasmodic, antiseptic at iba pa. Subalit kapag nakain mo ang prutas nito lalo na kung ito ay batang halaman pa ay nakakasama ito.

Maaaring makaranas ng pagkawala ng boses, pagiging dry ng bibig, pananakit ng ulo, paghirap sa paghinga, at kumbolsyon.

Ang buong halaman nito ang nakakalason subalit ang berries nito ay pinakadelikado sapagkat kadalasang matamis ang bunga nito. Dahil rito maraming mga bata ang naa-attract ditto. Ang 10-20 na berries nito ay maaaring pumatay ng isang matanda at ang isang dahon lamang nito, kapag nakain mo’y ikakamatay rin agad ng isang tao.

Wolfsbane o tinatawag din sa mga pangalan na (Aconite, Devil’s helmet, Monkshood).

Napakaganda ng halamang ito kapag nakita mo. Marami ang nagbebenta nito sa Pilipinas. Kadalasan itong nagmumula sa malalamig na bahagi ng Pilipinas. Huwag magpaloko dahil delikado ito. Nagtataglay ito ng toxin na alkaloid pseudaconitine. Sa sobrang lakas ng lason nito ginamit ito mga taga Ainu sa Japan sa kanilang mga palaso upang gamitin sa pangangaso. Ginagamit ang lason nito sa pagpatay ng mga wolves o lobo. Kapag ito’y nakain mo, makakaramdam ka ng burning sensation sa iyong mga kamay at paa hanggang sa iyong tiyan. Kapag nakain ito maaaring ikamatay agad nito ng 2-3 oras.

Castor plants o (Tangan-tangan, o Katana).

Maaari mapatay ng halaman nito ang isang full-grown adult ng 4-5 na buto lamang. Ang ricin na toxin na taglay nito ay matatagpuan sa buong halaman. Kapag nakapasok na ang lason nito sa iyong katawan. Maaaring makaramdam ng burning sensation sa iyong lalamunan at bibig at susundan ito ng diarrhea at pagsusuka. Kapag naranasan na ang sintomas nito at hindi ito napigilan mauuwi ito sa pagkamatay.

Rosary Pea.

Sa sobrang nakakalason nito ang 3 micrograms nito ay maaaring pumatay sa isang fully-grown human ayon sa mga ulat. Kahit na gingamit ang seeds o buto nito bilang beads. Hindi ito advisable dahil ang tao ay madalas na isinusubo ang kanilang mga daliri. Ang lason nito na abrin ay 75 na beses na nakakamatay sa ricin ng castor bean.

Buta-buta.

Ang salitang Butaay mula sa wikang Bisaya na ang ibig sabihin ay bulag.Kaya naman mula sa pangalan na iyan ang halaman na ito ay isang nakakabulag na halaman.Tumutubo ito sa muddy at stony soil na kadalasang makikita sa mga mangroves.

source

Leave a Comment