#npucnews #hopetoday #iwillgo
Masayang pagbati sa inyong lahat! Narito kaming muli upang maghatid ng balita at mga pinakabagong update sa paglilingkod ng mga Seventh-day Adventist sa teritoryo ng North Philippine Union Conference, sa Luzon.
Sa mga balitang mayroong pag-asa:
1. Mission trips ng Southern Luzon at Cavite Missions, pagpapala sa buhay at ministry ng Adventist Young Professionals
2. Mainland Music Seminar, nagdulot ng kapakinabangan sa kakayahan sa musika at pag-awit ng SCLC Music Ministry Leaders
3. Solo Parents Convention, idinaos ng Palawan Mission para bigyang pansin ang kapakanan ng mga balo at single parent
4. Vacation Bible Experience, masayang kinasangkutan ng mga bata sa Signal Rooftop Seventh-day Adventist Church, Taguig
5. Mga Adbentista sa buong Albay, Bicol, masayang nagtipon sa Mid-year Federation Fellowship
6. Medical and Dental Mission, buong siglang ginampanan ng mga Adbentista sa Anda, Pangasinan
7. Retreat and training seminar, biyaya sa pagtatalaga at paglilingkod ng Adventist World Radio Broadcasters sa Occidental Mindoro Area
Lahat ng iyan, ihahatid mula sa tanggapan ng North Philippine Union Conference, ito ang HOPE Today NPUC News!
LIKE & Share this video. Mag-SUBSCRIBE sa Hope Channel North Philippines Youtube Channel para maging updated sa mga paglilingkod ng mga Seventh-day Adventist sa teritoryo ng NPUC.
Magpadala ng mga balita via email sa [email protected] o gamitin ang #npucnews sa inyong mga social media post.
source